DENR, NHA at Agriculture wagi sa UNTV Cup

MANILA, Philippines — Humataw ang De­part­ment of Environment and Natural Resources (DENR) sa fi­nal period para gibain ang Judiciary, 86-65, at ma­natiling malinis sa  Group B elims ng 8th UNTV Cup sa Pasig C­i­ty Sports Center.

Sa likod nina Ralph Lansang, Desiderio Ayson, Ed Rivera at Arturo Atablanco ay nakawala ang Warriors mula sa 50-50 pagkakatabla para ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Umiskor si Lansang ng 18 points para pa­mu­­nuan ang Warriors at may 17 at 16 mar­kers si­na Ayson at Ri­vera, ayon sa pagka­ka­sunod.

Sa iba pang Group B action, tinalo ng Natio­nal Housing Authori­ty ang GSIS, 80-68, at ki­nuha ng Department of Agriculture ang 88-65 panalo laban sa PhilHealth sa event na inor­ga­nisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.

Ang mapipiling cha­rity ng champion team sa annual event para sa public servants ay ma­kakakuha ng P4 milyon (tax free), habang ang runner-up’s cha­rity ay ta­tanggap ng P2 milyon.

Pinaganda ng NHA Builders ni coach Bennett Palad ang kanilang baraha sa 3-1.

Tumipa si Marvin Mer­­cado ng 15 points pa­ra sa Builders ka­­su­nod ang 12 markers ni Jo­se Adolfo.

Show comments