DENR, NHA at Agriculture wagi sa UNTV Cup
MANILA, Philippines — Humataw ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa final period para gibain ang Judiciary, 86-65, at manatiling malinis sa Group B elims ng 8th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.
Sa likod nina Ralph Lansang, Desiderio Ayson, Ed Rivera at Arturo Atablanco ay nakawala ang Warriors mula sa 50-50 pagkakatabla para ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo.
Umiskor si Lansang ng 18 points para pamunuan ang Warriors at may 17 at 16 markers sina Ayson at Rivera, ayon sa pagkakasunod.
Sa iba pang Group B action, tinalo ng National Housing Authority ang GSIS, 80-68, at kinuha ng Department of Agriculture ang 88-65 panalo laban sa PhilHealth sa event na inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.
Ang mapipiling charity ng champion team sa annual event para sa public servants ay makakakuha ng P4 milyon (tax free), habang ang runner-up’s charity ay tatanggap ng P2 milyon.
Pinaganda ng NHA Builders ni coach Bennett Palad ang kanilang baraha sa 3-1.
Tumipa si Marvin Mercado ng 15 points para sa Builders kasunod ang 12 markers ni Jose Adolfo.
- Latest