^

PM Sports

Chicano kukunin ang gold sa SEA Games

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Chicano kukunin ang gold sa SEA Games
Si triathlete John Leerams Chicano sa aksyon sa 2019 Black Arrow Express 5150 Triathlon.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Tiwala si John Lee­rams “Rambo” Chicano na masisikwat niya ang gintong medalya sa nala­lapit na 30th Southeast Asian Games kahit pa nagkasya lang siya sa silver medal sa katatapos lang na 2019 Black Arrow Express 5150 Triathlon kamakalawa sa Subic.

Tinapos ni Chicano ang Olympic-distance na 1.5K swim, 40K bike at 10K run sa loob ng da­lawang oras, limang mi­nuto at 23 segundo upang pumangalawa kay Fernando Jose Ca­sares (2:04.35).

Subalit kuntento pa rin si Chicano sa kanyang naging karera la­lo’t ito na ang hu­ling event niya bago ang kampanya sa SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Okay naman po ‘yung naging race natin. Magandang gauge, ma­gandang test event ito pa­ra sa akin kasi mala­kas ‘yung field,” ani Chi­cano na nakasabay din sa karera ang mga pro triathletes na sina Ja­kub Langhammaer ng Czech Republic at Sam Betten ng Australia.

Ito ang huling karera ni Chicano bago ang SEA Games matapos sumali unang triathlon event sa New Clark City noong nakaraang linggo na pinagwagian niya.

“Mga 80 percent na ngayon. Konting adjust na lang siguro, lalo na sa bike, okay na tayo,” dagdag ni Chicano na nagkasya sa silver me­dal noong 2017 sa Malaysia.  

JOHN LEERAMS CHICANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with