CHICAGO -- Aminado si Pascal Siakam na siya ang target ng kanilang mga kalaban matapos iwanan nina Kawhi Leonard at Danny Green ang Toronto Raptors.
Kaya naman matinding opensa ang ibinibigay ng fourth-year power forwar.
Umiskor si Siakam ng 19 points, habang may 17 markers si OG Anunoby para tulungan ang Raptors sa 108-84 paggupo sa Bulls.
Umatake ang defending NBA champions sa second quarter para kunin ang 48-40 halftime lead at tuluyan nang iniwanan ang Chicago sa second half patungo sa kanilang ika-10 sunod na panalo laban sa host team.
Nagposte si Siakam ng average na 28.7 points sa tatlong laro ng Toronto.
“I can always argue if it was a foul, wasn’t a foul. But as a leader, I have to be able to not be in those situations — and be in the game,” wika ng NBA Most Improved Player sa nakaraang season. “I’ve got to figure that out. Turnovers, obviously, it’s something new for me seeing double teams. I’ve got to find a way to not turn the ball over.”
Nagsalpak si Anunoby ng tatlong 3-pointers, habang humakot si Serge Ibaka ng 18 points at 7 rebounds para sa Raptors.
Si Fred VanVleet ay nag-ambag ng 16 points matapos matalo sa Boston Celtics noong Biyernes.
Binanderahan naman ni Wendell Carter, Jr. ang Bulls mula sa kanyang 12 points at 11 rebounds at may 11 markers si Zach LaVine.
Sa Milwaukee, umiskor si guard Goran Dragic ng 25 points mula sa bench para tulungan ang Miami Heat na makabangon mula sa 21-point third-quarter deficit at igupo si Giannis Antetokounmpo at ang Bucks sa overtime, 131-126.
Humakot si Antetokounmpo ng 29 points, 17 rebounds at 9 assists, ngunit mayroon siyang walong turnovers at na-fouled out sa huling 2:31 minuto sa overtime.
Na-fouled out din si Antetokounmpo sa panalo ng Milwaukee laban sa Houston Rockets.
Nagdagdag si Khris Middleton ng 25 points para sa Bucks.