MANILA, Philippines — Dumiretso ang Ateneo De Manila University sa pang-13 sunod na ratsada matapos idiskaril ang National University, 88-51, sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Umariba sa opensa ng Blue Eagles si import Ange kouame na nagtala ng 17 points, 13 rebounds, 3 assists at 3 blocks at nagtala si Thirdy Ravena ng 15 markers, 4 boards, 3 assists at 1 steal.
Umangat ang baraha ng Ateneo sa 13-0 para makalapit sa pagwalis sa eliminations patungo sa outright Finals ticket.
Maagang kinuha ng Blue Eagles 22-12 abante sa first quarter patungo sa paglilista ng 35-point lead, 76-41, mula sa three-point play ni SJ Belangel sa huling 6:50 minuto ng final period.
“I think for 2 weeks in a row, we’ve come out with a great attitude. And it’s been reflected in the way they play, pace of the game, the defensive intensity, the rebounding, these are the things that make coaches proud.” sabi ni coach Tab Baldwin.
Walang nagawa ang 21 markes at 4 rebounds ni Shaun Ildefenso para sa Bulldogs.
Naging maalat ang opensa ni Dave Ildefonso matapos mairehsitro ang career-low na 2 points sa 2-11 baraha ng NU.
Sa ikalawang laro, sinagpang naman ng University of Santo Tomas ang Adamson University, 80-74, para isara ang eliminasyon bitbit ang 8-6 record.
Inangkin ng Growling Tigers ang playoff para sa isang semifinals berth.
Mula sa 55-65 pagkakabaon ay naitabla ng Falcons ang laro sa 67-67 sa fourth period.
Ngunit nagsalpak sina Mark Nonoy at Sherwin Concepcion ng tig-isang triple na sinundan ng tres ni Renzo Subido para muling ilayo ang UST sa 76-69 sa huling 1:36 minuto ng laro at tiyakin ang kanilang panalo.