^

PM Sports

Marestella bumida sa test event

Pang-masa

Capas, Tarlac, Philippines — Inangkin ni Marestella Torres-Su­nang ang gintong medalya matapos lumundag ng 6.2 metro sa kanyang fourth attempt sa women’s long jump ng Southeast Asian Games athletics test event dito sa New Clark City Athletics Stadium.

Tinalo ni Torres-Sunang sina Thai bet Parinya Chuai­maroeng (6.17m) at Vietnamese standout Thi Ngoc Ha Vu (6.02 meters) para sa gold medal.

Puntirya ni Torres-Sunang na makuha ang 6.45m na naitala niya sa pagpitas sa bronze medal noong 2017 SEA Games.

“Nag-practice na ako dito. Pero this time, may mga foreigners,” wika ni Torres-Sunang, itinala ang natio­nal record na 6.72m sa pagkuwalipika niya sa Olympic Games noong 2016.

Samantala, inangkin naman ni defending women’s discus throw champion Insaeng Subenrat ng Thailand ang gintong medalya sa paghagis ng 56.99m.

Tinabunan ni Subenrat ang dati niyang 55.23m para sa gold medal noong 2017 SEA Games.

Ang nasabing two-day test event sa athletics ay ina­­­asahang susukat sa estado ng paghahanda ng mga Filipino tracksters para sa darating na 2019 SEA Games na naka­takda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kabuuang 72-member Philippine athletics team ang lumahok sa test event katapat ang Thailand, Malaysia at Vietnam.

May 24 sa kabuuang 48 athletics events sa 2019 SEA Games ang lalaruin sa test events.

MARESTELLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with