Rain or Shine may pag-asa kay Alexander

MANILA, Philippines — Umaasa si Rain or Shine coach Caloy Garcia na maisasalba ni balik-import Kwame Alexander ang kanilang kampanya para sa silya sa quarterfinal round.

Kumolekta si Alexander ng 17 markers, 16 boards, 3 assists at 3 steals para tulungan ang Elasto Painters sa 99-82 pagtambak sa Blackwater Elite sa 2019 PBA Gover-nor’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Hopefully, we could still have a chance,” sabi ni Garcia. “Sabi ko lang sa mga players just play down the pressure and play your game.”

Winakasan ng Rain or Shine ang kanilang four-game losing skid para sa kanilang 2-5 kartada kapantay ang Blackwater at Phoenix.

Tumapos naman si guard Rey Nambatac na may 18 points, 7 rebounds at 7 assists habang may 17 at 13 markers sina Beau Belga at Ed Daquioag, ayon sa pagkakasunod.

Nagtuwang sina Alexander, Nambatac at Mark Borboran para ibigay sa Elasto Painters ang 13-point lead, 94-81 sa natitirang 1:44 minuto ng fourth period.

Nauna nang nakabangon ang Elite mula sa 11-point deficit, 38-49 sa huling minuto ng second period para ilapit ang laro sa 81-84 sa huling 3:37 minuto ng final canto sa likod nina import Marqus Blakely at Mike Cortez.

Punamunuan ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks, Jr. ang Blackwater, nalasap ang ikalawang dikit na kabiguan mula sa kanyang game-high na 27 points.

Nag-ambag si Blakely ng 21 markers.

Show comments