^

PM Sports

AFP Cavaliers, Malacañang-PSC Kamao itinala ang 4-0 record sa 8th UNTV Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatumba ng nagdedepensang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Malacañang-Philippine Sports Commission ang kanilang mga karibal para mapanatiling malinis ang baraha sa group elims ng 8th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.

Sumandal ang AFP Cavaliers sa magandang tirada ni dating Letran star Boyet Bautista para talu­nin ang Department of Agriculture Food Masters, 91-84, sa Group A.

Tumapos ang 5-foot-7 na si Bautista na may 28 points para sa ikaapat na sunod na pananalasa ng three-time champions na AFP Cavaliers.

Nagdagdag si Romeo Almerol ng 19 points kasunod ang 17 markers ni Jerry Lumungsod para pigilin ang dating sinasakyang two-game winning streak ng Food Masters.

Pinatumba naman ng Malacañang-PSC Kamao ang Philippine National Police Responders, 75-64, sa Group B ng event na inorganisa ng UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Samantala, binigo naman ng PITC Global Tra­ders ang SSS Kabalikat, 130-67, para sa 2-2 baraha sa Group A.

Pinamunuan nina Joseph Roque at Jeffrey Pun­zalan ang ikaapat na dikit na ratsada ng Kamao sa torneong may premyong P4 milyon na ibibigay sa mapipiling charity ng champion team.

AFP 91 - Bautista 28, Almerol 19, Lumongsod 17, Casulla 16, Sergio 7, Evidor 2, Tan 2.

Agriculture 84 - Oreta 28, Fernandez 15, Dematera 13, Casaysayan 8, Mastelero 6, Silva 5, Tayer 4, Mayran 3.

Quarterscores: 24-20; 44-45; 69-59; 91-84.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with