MANILA, Philippines – Kumpleto na ang stepladder playoff casts matapos magwagi ang San Sebastian Stags sa Perpetual Help Altas, 99-94 kahapon upang tumapos bilang fourth seeded team sa playoff round ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena ng San Juan City.
Humataw si Allyn Bulanadi ng career-high 44 puntos, walong rebounds at apat na assists para masungkit ng Stags ang pang-11 panalo sa 18-laro at angkinin ang huling playoff spot sa stepladder semis format.
Makaharap ng Stags ang third seed Letran (12-6) sa unang playoff match sa kung saan ang magwawagi ay lalaban naman sa second seed na Lyceum Pirates (13-5) sa huling playoff match para pag-aagawan ang karapatan na harapin ang undefeated San Beda Red Lions (18-0) sa best-of-three finals.
Ipinakita ng graduating na si Bulanadi ang mataas na porsyento sa shooting sa 14-of-26 sa field goal at 9-of-9 sa free throw line na ikinatuwa ni SSC-R head coach Egay Macaraya. “For me, Allyn (Bulanadi) is ready for the big league. He’s proven it already many times,” aniya.
Mayroon pang mahigit 17 araw na paghahanda ang Stags bago nila haharapin ang third seed Letran Knights sa unang playoff match sa Nobyembre 5 at ang mananalo ay lalaban sa second seed na Lyceum sa Nobyembre 8. Ang best-of-three Finals ay magsimula sa Nob. 12.
Winalis ng three-peat champion na San Beda Red Lions ang double-round elimination para dumiretso sa Finals na nag-iwan sa tatlo pang semifinalists sa stepladder match.
Sa ikalawang laro, tinapos ng St. Benilde Bla-zers ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng pagpayuko sa Mapua Cardinals, 68-62, kahapon sa huling araw ng elimination round.