P1-M pa para kina Yulo, Petecio mula sa MVP Foundation

MANILA, Philippines — Karagdagang tig-P1 milyon ang nakatakdang ibigay ng MVP Sports Foundation kina world champions Carlos Yulo at Nesthy Petecio ayon kay MVPSF President Al Panlilio.

“The Filipino athlete will always have an ally in the MVP Sports Foundation. We know we have world class athletes and we know they can be the best in the world if they get the support they need,” ani Panlilio na Presidente din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“In less than 24 hours, two Filipino athletes were crowned as the best in the world with gymnast Carlos Yulo and boxer Nesthy Petecio.The MVPSF is proud to have played a part in their success and their victories only inspire us to continue our efforts towards getting our first Olympic Gold”.

Nakauwi na sa bansa sina Yulo at Petecio na sinalubong ng heroes’ welcome kamakalawa ng gabi sa NAIA.

Unang sumikwat  ng karangalan si Yulo nang sungkitin ang gintong medalya sa men’s floor exercise ng ginanap na 2019 World Artistic Gymnastics Championships sa Stuggart, Germany. Pumang-10 rin sa overall rankings at nakaselyo ng tiket patungo sa 2020 Tok-yo Olympics.

Sinundan agad ni Petecio ang tagumpay ni Yulo nang magreyna naman ito sa featherweight division ng ginanap na Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude Russia.

Sinilat ni Petecio ang hometown bet na si Liudmilla Vorontosova sa split decision upang maging ikalawang Filipina boxer pa lamang na naging world champion.

Dagdag ang P1 mil-yong handog ng MVPSF sa mga world-class athletes sa P1 milyon natanggap nila mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ayon sa Republic Act 10699 o Expanded Incentives Act bunsod ng kanilang gintong medalya sa world championship event.

 

Show comments