^

PM Sports

Sumisip-St. Clare ‘di bumitaw

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sumisip-St. Clare âdi bumitaw

MANILA, Philippines — Nakumpleto ng BRT Sumisip Basilan St. Clare ang series comeback nito kontra sa paboritong Marinerong Pilipino matapos ang pambihirang 63-60 tagumpay sa winner-take-all Game 3 upang maitangay ang 2019 PBA D-League Foundation Cup championship kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Nagningning sa unang D-League title win ng Saints si Jhaps Bautista na kumamada ng 18 markers, walong rebounds at dalawang steals kabilang na ang pan-selyong lay-up sa huling minuto upang masiguro ang dikit na tagumpay.

Umalalay kay Bautista ang guwardiyang si Hesed Gabo na may kumpletong 12 points, limang rebounds, pitong assists at dalawang steals habang may 11 mar­kers at pitong boards din si Alfred Batino.

“Talagang ginusto lang naming manalo. Ang sabi ko sa kanila, we can’t just talk na gusto naming manalo. Kailangan i-translate namin sa laro. Hundred percent naman, binigay ng mga bata. Hindi sila bumitaw, they believed,” ani head coach Stevenson Tiu.

Higit naman sa team prize, regalo rin ito ng Saints kay Tiu lalo’t ito rin ang kanyang unang kampeonato matapos ang ilang kabiguan bilang veteran coach sa D-League.

“This is the first time I won. Sobrang sarap sa pakiramdam. Ito ang wish ko for how many years sa D-League. Palagi lang semis, palaging second place. Ang tagal kong hinintay ito,” ani Tiu na nakalasap ng back-to-back runner-up finishes kasama ang dating team na Che’Lu noong nakaraang season.

Bunsod nito, nasayang ang pambihirang run ng Skippers na pumasok sa Finals hawak ang 10-0 baraha na ngayong Finals lang nalagasan kontra sa determinadong Saints.

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with