^

PM Sports

Malacañang-PSC 3-0 na

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor ang Malacañang-Philippine Sports Commission ng madaling panalo taliwas sa National Housing Authority na nangailangan ng dalawing overtime upang makausad sa Group B elims ng 8th UNTV Cup nitong weekend sa Pasig City Sports Center.

Gumamit ang Malacañang-PSC Kamao ng balanseng atake upang igupo ang GSIS Furies, 102-69 habang nakakuha ang NHA Builders ng crucial baskets mula sa Tibay twins na sina Waldermar at Ralph tungo sa 108-101 panalo laban sa Judiciary Magis.

Nag-overtime rin ang kaisa-isang Group A match kung saan naitala ng PhilHealth ang kanilang unang panalo matapos ang back-to-back loss nang kanilang kunin ang 118-110 win laban sa Ombudsman Graftbusters sa event na inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.

Pinangunahan ni Joseph Besa ang limang Kamao players na may double figures sa kanyang 19 points habang sina Michael Ignario at Ian Garrido ay nagtala ng 17 at 14 points, ayon sa pagkakasunod para tabunan ang pagkawala ng kanilang leading scorer na si Erick dela Cuesta.

Ang dating Letran star na si Jonathan Aldave ang nanguna sa PhilHealth Plus sa kanyang 38 points bukod pa sa seven boards at two assists ka-tulong si Mark Pedroso na may 19 points, 9 assists, limang rebounds at tatlong steals.

UNTV CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with