^

PM Sports

Gilas susubukan ng SMB-Alab sa tune-up

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtutuos ang G­i­las Pilipinas at San Mi­guel-Alab Pilipinas sa isang tune-up game na mag­sisilbing bahagi ng paghahanda nila sa mga sa­­salihang torneo.

Naghahanda ang Na­tio­nals para sa 30th Southeast Asian Games, habang ang SMB-Alab ay sasabak sa ASEAN Bas­ket­ball League na didribol pareho sa Nobyembre.

Inamin ni coach Tim Cone na pinaplantsa na ni Gilas ssistant coach at Alab mentor Jimmy Alapag ang tune-up game sa pagitan ng dalawang koponan at gayundin sa iba pang ABL teams.

Subalit dahil kakasi­mu­la lamang ng trai­ning camp ng Gilas at wa­la pang roster ang Alab, posibleng sa susunod na da­lawang linggo pa mangyari ang practice game.

Nakumpleto kama­ka­i­lan ang 15-man training pool ni Cone sa pagdalo ni June Mar Fajardo sa en­sayo para samahan si­na LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Art Dela Cruz, Japeth Aguilar at Greg Slaughter ng Ginebra, Chris Ross, Christian Standhardinger at Marcio Lassiter ng San Miguel, RR Pogoy, Troy Rosario at Jayson Castro ng TNT Katropa, Vic Ma­nuel ng Alaska at Matthew Wright ng Phoenix.

Sa panig ng Alab, babanderahan ng nagbabalik na si Renaldo Balkman ang koponan kasama pa ang inaasahang dalawang world imports na siguradong masusubok ang kalibre ng Gilas Pilipinas.

Kasama rin sa Alab ni Alapag sina Lawrence Domingo, Brandon Ros­ser, Jeremiah Gray at Jason Brickman.

 

SMB-ALAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with