^

PM Sports

Motolite lumakas ang tsansa sa F4

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas napalakas pa ng Mo­tolite ang tsansang makalusot sa Final Four ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference nang masikwat ang kanilang back-to-back wins mula sa 25-16, 25-21, 25-19 paggupo sa BaliPure kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nadagit ng Motolite ang ika-siyam nitong panalo sa 14 asignatu­ra para sumosyo sa third spot kasama ang BanKo Perlas Spikers tangan ang 9-5 baraha sa ilalim ng PetroGazz at Creamline.

Umariba para sa Mo­tolite ang dating University of the Philippines standouts na sina Tots Car­los at Isa Molde na nagrehistro ng 17 at 15 points, ayon sa pagkakasunod, habang dumeliber ng 8 markers si ve­te­ran Myla Pablo.

“It feels so good and I’m so happy in the performance and the players played so well. I hope in the next two games we will also able to push because it doesn’t mean we are in number four we just relax and let things settled,” sabi ni head coach Godfrey Okumu.

Nagtuluy-tuloy ang ma­init na ratsada ng Mo­tolite sa third set at na­iposte ang 18-11 bentahe sa likod ng magkasunod na ace ni Carlos ba­go nakabawi ang Water Defenders at naibaba sa 18-23 ang kanilang hinahabol hanggang sa service error ni Shirley Salamagos natapos ang laro.

Samantala, buhay pa ang tsansa ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers na makalusot sa playoffs matapos talu­nin ang Choco Mucho Flying Titans, 20-25, 25-18, 29-27, 26-24.

 

MOTOLITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with