RR Garcia puwede pa

Mukhang maisasalba pa ni RR Garcia ang kanyang PBA career dahil na rin sa break na nakuha sa Phoenix Pulse Fuel Masters.

Nagdelikado pansamantala ang kanyang career matapos maburo sa guard-laden TNT KaTropa squad. Pero nakabalik dahil sa tawag ni Phoenix coach Louie Alas.

Sinusuklian naman ni Garcia ng magandang effort ang tiwala ni Alas kaya naman starter pang bigla ang dating UAAP MVP na ito mula Far Eastern U.

Lalong napansin si Garcia matapos itikada ang winning basket sa kanilang 86-84 escape win kontra Rain or Shine noong nakaraang gabi.

Ang ambag ni Garcia sa Fuel Masters ay 7.67 points, 2.5 assists, 2.17 rebounds per game-- disenteng numero para sa isang free-agent acquisition.

Expected naman na mananatili sa rotation si Garcia dahil talagang butas ang roster ni Alas sa guard spots.

Maaaring natagpuan na ni Garcia ang kanyang permanenteng bahay matapos umikot sa GlobalPort, Barako Bull, Star Hotshots, San Miguel at TNT.

***

Tingin ko haharap ngayong araw na ito ang grand slam-chasing San Miguel Beer sa kanilang unang mabigat na pagsubok kontra titleholder Magnolia at ang kanilang workhorse na import sa katauhan ni Romeo Travis.

Wala pang talo sa tatlong laro ang SMB samantalang rumatsada rin ng tatlong sunod na panalo ang Magnolia matapos matalo sa kanilang conference debut kontra Meralco.

Lamang sa materyales ang Beermen pero may alas ang mga Hotshots sa kanilang magandang che­mistry kasama si Travis.

Show comments