^

PM Sports

Cignal HD Spikers 4-0 na

Philstar.com
Cignal HD Spikers 4-0 na
Dumipensa sina Rachelle Anne Daquis at Noriell Ipac ng Cignal sa atake ni Seth Marione Rodriguez ng Marinerang Pilipina.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Napanatili ng Cignal HD Spikers ang mahigpit nitong kapit sa top seed ng Pool C nang paluhurin ang Marinerang Pilipina Lady Skippers, 25-14, 25-14, 22-25, 25-19 sa second round ng group stage ng 2019 Philippine Superliga Invitationals, kahapon sa Strike Gym sa Bacoor City.

Malinis sa 4-0 na baraha ang bitbit ngayon ng HD Spikers sa Pool C habang nanatiling walang panalo sa apat na laro ngayong kumperensya ang Lady Skippers.

Nanguna sa tropa si team captain Rachel Ann Daquis na pumalo ng 17 puntos, mula 11 attacks, 6 aces at isang block at 5 receptions habang nag-ambag ng si Alohi-Robins-Hardy ng 11 marka at 12 digs at 10 marka si Mylene Paat, na naglaro para sa Nationals sa ASEAN Grand Prix noong nakaraang linggo sa Sta. Rosa, Laguna.

Dinomina ng 2019 All-Filipino Conference first runner-up ang laro at agarang naiposte ang 2-0 set advantage bago bumawi ang Marinerang Pilipina sa third set sa paggana ng kanilang middle blocker na si Seth Rodriguez para ipuwersa sa fourth set.

Muling nagising ang Cignal pagpasok ng fourth set kung saan naiposte nila ang 8-0 na atake para sa 9-1 na bentahe hanggang sa lumobo sa 20-10 kalamangan o bago alpasan ang bantang pagbabalik ng Lady Skippers sa huling parte ng laro.

Tumapos ng 12 points si Rodriguez para sa Marinerang Pilipina, na nalasap ang ika-19 na sunod na kamalasan sa buong liga.

Nakopo naman ng defending champions na F2 Logistics Cargo Movers ang ikatlong sunod nitong panalo nang walisin nila ang Foton Tornadoes, 25-23, 25-19, 25-23 sa ikalawang laro.

Umariba si ASEAN Grand Prix Best Middle Blocker Majoy Baron para pangunahan ang tropa matapos mag-rehistro ng 11 puntos, sa likod ng 9 atacks, 1 ace at 1 block.

Naglalaro pa ang Sta. Lucia at Generika-Ayala habang sinusulat ang balitang ito para basagin ang pagtatabla sa Pool D sa 1-2 record. (FEJ)

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA INVITATIONALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with