Kabayong Union Bell nag-uwi ng P600,000

MANILA, Philippines — Nag-uwi ng tumataginting na P600,000 ang kaba-yong si Union Bell matapos magwagi sa unang yugto ng 2019 Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite noong Linggo.

Sa ekspertong pagmamaniubra ni star jockey JB Hernandez, umatake ang Union Bell (anak ng Union Rags, USA at Tocqueville, ARG) sa huling 200 meters sa maikling 1,200-meter race at humarurot sa fi-nish line taglay ang limang habang panalo.

Pumangalawa ang Make Some Noise ni jockey RO Niu Jr. at pangatlo naman ang Lucky Savings ni jockey AR Villegas)sa stakes race kung saan ang pinakamagagaling na two-year-old na kabayo sa bansa ay nagtagisan ng galing.

“Okay naman ‘yung alis namin, maganda, segundo puwesto kaagad. Doon pa lang sa tres octavo, alam ko matulin na matulin na ‘yung grupo. ‘Yung kabayo ko gusto na lumaban, sabi ko sa rekta na lang,” ani Hernandez, na nanalo ng ikalawang sunod kasama ang Union Bell. “Nanalo na kami dati, sa maiden race, pero ito ang pinakamalaking panalo ko with Union Bell so far.”

Ang panalo ni Union Bell na ginawa sa isang minuto at 11 na segundo (23.4, 21.8, 25) ay nagbigay sa Bell Ra-cing Stable ng premyong P600,000 mula sa suma total na P1,040,000 na handog ng Philracom.

Tinanggap ni Union Bell owner Elmer de Leon ng Bell Racing Stable ang tropeo mula kina Philracom Commissioner Reli de Leon, Philippine Racing Club Inc. manager Oyet Alcasid at club handicapper Donnie Selda.

Ang Make Some Noise ang kumopo ng P225,000, samantalang nag-uwi ng P125,000 ang Lucky Savings.    

Ang iba pang nanalo noong Linggo ay ang Creme Brule (Race 1), Expensive (Race 2), Casino Royale (Race 4), Ainna’s Victory (Race 5), June 3 (Race 6), Indubitably (Race 7), Undercover (Race 8), Go Abbey Go (Race 9), Aim Thirty One (Race 10), Forest Cover (Race 11) at The Believer (Race 12).

               

Show comments