^

PM Sports

Marinerong Pilipino hangad na umukit ng kasaysayan

John Bryan Ulanday - Philstar.com

MANILA, Philippines — Tangka ng Marinerong Pilipino na makaukit ng sariling puwesto sa kasaysayan sa asam nilang tournament sweep kontra sa BRT Sumisip Basilan – St. Clare sa Game 2 ng kanilang 2019 PBA D-League Foundation Cup best-of-three finals sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Galing ang Skippers sa 69-59 panalo noong Game 1 na balak nilang duplikahin upang makumpleto ang pagwalis sa Saints at mahagkan ang kanilang unang kampeo-nato simula nang sumali sa liga noong 2017.

Subalit higit pa roon ang pakay ng Skippers na may tsansang makasikwat ng puwesto sa D-League history bilang ikatlong koponan pa lamang na hindi man lang natalo sa buong conference.

Ang NLEX, bago ito umakyat sa PBA, ang nakagawa nito ng dalawang beses noong 2012 at 2014 Foundation Cup.

Sa ngayon, nasa sampung sunod na panalo na ang Marinero mula pa noong elimination round na maaari nilang matapos sa malinis na 11-0 D-League sweep kung makakalusot sa Saints.

Hindi iyon magiging madali ayon kay coach Yong Garcia lalo’t nahirapan sila noong Game 1 at siguradong gigil na makaganti ang St. Clare.

Matapos lumamang ng 19 puntos, muntikan pang mahabol ang Skippers sa series opener na hindi dapat mangyari ngayon kung misyon nilang maisakatuparan na ang Foundation Cup sweep.

“‘Yun ‘yung nagiging problema namin before and lumabas na naman. Hopefully ma-correct namin para sa Game Two hindi kami parang roller-coaster ulit,” ani Garcia na sasandal kay MVP frontrunner Eloy Poligrates.

Nakatakdang sumuporta kay Poligrates sina JR Alabanza, Dan Sara, Mark Yee, Rian Ayona-yon, Jhonard Clarito, Santi Santillan at Rev Diputado.

Nais naman ng Saints na makapuwersa ng winner-take-all Game 3.

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with