MANILA, Philippines — Gagamitin ng Philippine women’s volleyball national team ang na-ging karanasan nila sa ASEAN Grand Prix sa 30th Southeast Asian Games sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Hindi man nakuha ang inaasam na kampeonato, naibulsa naman ng Nationals ang bronze medal sa dalawang leg ng torneo, una noong Setyembre 22 sa Thailand at sumunod naman ay noong Linggo dito sa bansa.
Isang magandang exposure ang torneo na ito para sa Pinay volleybelles dahil nakatapat nila ang ilang powerhouse na tropa mula sa rehiyon na makakalaban din nila sa SEA Games.
“Parang ang gandang exposure na makalaban mo sila preseason. Kasi, hindi ka na magugulat sa kaya nilang gawin at mas nakikilala mo ‘yung team mo kung ano ‘yung strengths and weaknesses,” wika ni ASEAN Grand Prix Best Middle Blocker Majoy Baron.
Mataas din ang kumpiyansa ni national team captain Aby Maraño na maganda ang magi-ging resulta ng kampanya ng bansa sa biennial sporting event dahil sa kanilang ipinamalas.
“Sa tingin ko may paglalagyan tayo. Kumbaga, may mararating tayo sa ganitong klase ng performance ng team,” sabi ni Maraño. “As you can see, kailan lang kami nabuo na ganitong klase ‘yung ginagawa namin. So, definitely meron ta-yong makakamit pagda-ting sa SEA Games.”
Lilipad patungong Tok-yo, Japan ang Nationals ngayong Oktubre 20 para sumailalim sa isang training camp bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa SEA Games. (FJosue)