AFP tuloy sa pananalasa sa UNTV Cup

MANILA, Philippines — Muling umiskor ng magaang panalo ang defending champion na  Armed Forces of the Philippines (AFP) habang patuloy sa pagpapasiklab ng baguhang Department of Environment at Natural Resources (DENR) sa 8th UNTV Cup na ginanap kamakailan sa Pasig City Sports Center.

Sa pangunguna ni da-ting Letran star at 2007 PH team member Boyet Bautista, dinurog ng AFP Cavaliers ang SSS Kabalikat, 100-86 para manatiling walang talo sa Group I elims ng annual tournament para sa mga  public servants.

Kinuha naman ng DENR Warriors ang solo lead sa Group II elims sa kanilang 88-77 panalo kontra sa Philippine National Police Responders.matapos ang 101-98 win kontra sa GSIS Furies.

Nakuha naman ng Department of Agriculture ang ikalawang panalo sa Group 1 matapos ungusan ang PITC Global Traders, 68-64 dahil sa solid game ni former PBA player Emerson Oreta at Christian Dematerana may 16 at 14 points, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna uli si Ralph Lansang para sa DENR na may 21 points, walong rebounds at pitong steals upang masundan ang kanilang 51-point na pa-sabog sa kanilang  opening game victory.

Sa pangunguna ni da-ting University of the East player Olan Omi-ping, kinuha ng Responders ang 44-38 halftime lead ngunit na-outscore sila sa third, 31-10,  sanhi ng kanilang ikalawang sunod na talo.

Show comments