NLEX palalakasin ni Alas

MANILA, Philippines — Mas maaga pa ang pagbabalik ni Kevin Alas kaysa saexpected date ng kanyang pagbabalik-aksiyon.

Nagsimula nang lumahok sa non-contact drills ng Road Warriors si Alas kaya’t posibleng makapaglaro na sa natitirang bahagi ng idinaraos na 2019 PBA Governors’ Cup.

Sa ngayon ay pinapalakas pa ni Alas ang kanyang napilay na tuhod subalit sa loob ng isang buwan ay inaasahang puwede na siyang sumali sa full practice ng NLEX.

Nasa tuktok ng season-ending conference ngayon ng PBA kung saan hawak ng NLEX ang 3-0 kartada katabla ang TNT at ang inaasahang pagbabalik ni Alas ay lalong magpapabangis sa kanila.

Noong Pebrero ay nadale ulit si Alas ng ACL injury sa kanyang kanang tuhod. Ito ang parehong injury na natamo niya noong nakaraang taon na dahilan ng pagkakawala niya sa buong 2018 season.

Habang wala si Alas ay nagdagdag ng players ang NLEX sa pagkuha kina Jericho Cruz mula sa TNT at JP Erram mula sa Blackwater.

Kasama nina Cruz at Erram ngayon si Kiefer Ra-vena na magbabalik din mula sa matagal na pagkawala bunsod ng kanyang 18-month FIBA suspension.

Sa pagbalik ni Alas, inaasahang lalong titining ang arangkada ng Road Warriors na hangad makasampa ulit sa Final Four ng PBA matapos ang breakthrough appearance noong 2018 PBA Philippine Cup.

Show comments