PORTLAND, Ore. -- Matapos makuha si veteran center Pau Gasol sa free agency nitong offseason ng Trail Blazers, limitado lamang ang kanyang pagsabak sa training camp makaraang sumailalim sa operasyon para sa kanyang stress fracture sa kaliwang paa.
“I hope to add leadership on and off the court, expe-rience and also quality of play. I’m excited after a difficult health year, frustrating,” wika ng seven-foot Spaniard.
Si Gasol ay isang six-time All Star at isa lamang sa apat na players na may higit sa 20,000 points, 11,000 rebounds, 3,500 assists at 1,500 blocks sa kanyang career. Ang tatlo pa ay sina Kareem Abdul-Jabbar, Tim Duncan at Kevin Garnett.
May dalawa siyang NBA championship rings sa kanyang paglalaro para sa Los Angeles Lakers.
“I’m excited to just work on my body and be healthy so I can do what I do on the floor and just have fun with the guys and compete, and play as hard as I can,” ani Gasol, maglalaro si Gasol sa kanyang ika-19 NBA season at umaasang matutulungan niya ang Trail Blazers sa darating na season.
Nakita lamang si Gasol sa tatlong laro para sa Milwaukee Bucks sa nakalipas na season bago maoperahan at na-buyout siya ng Bucks noong Marso mula sa San Antonio Spurs.