MANILA, Philippines — Matapos ma-eject sa laro kontra sa Ateneo De Manila Blue Eagles noong Linggo, mabigat na parusa ang hatol kay UP Maroons head coach Bo Perasol.
Binigyan ng UAAP si Perasol ng three-game suspension na dahilan para hindi siya makasipot sa tatlong sunod na laro ng Fighting Maroons kontra sa FEU Tamaraws (October 6), UE Red Warriors (Oct.12) at UST Growling Tigers (Oct. 16).
“After thorough review and careful delibe-ration made by the technical commitee, we deemed it fit that the penalty of three-game suspension handed to coach Bo Perasol for his actions in the game between Ateneo De Manila University and the University Of The Phi-lippines last Sunday,” ani UAAP Basketball Comminsioner Jensen Ilagan.
Ang parusa ay base sa Art. 9.2.1 UAAP Gene-ral Guidelines, 2019 na nagsasabing “A student-athlete, coach, trainer, or team manager, team official or any accompanying delegation member who is disqualified, thrown out of or ejected from unsportsmanlike behavior from the game by the conecerned game official shall not be allowed to play in the immediately succeeding game. Should said game be canceled, the suspension will be served in the game that immediately follow.”
Sa kalagitnaan ng third period, napatalsik sa laro si Perasol nang umentra ito sa court para komprontahin si referee Jaime Rivano matapos ang walang tawag na foul kay Jerson Prado, 6:23 minuto ang oras na nala-labi kaya nakatanggap ito ng unsportsmanlike foul.
Dala ng sobrang init ng labanan, nauna nang nabiktima ng technical foul si Bright Akheutie matapos ang foul niya kay Thirdy Ravena, 8:03 ang oras sa naturang yugto.
Nadagdagan pa ng da-lawang suspension ang parusa kay Perasol matapos ang kanyang tuluy-tuloy na pagrereklamo sa referee kahit inaawat na ito ng kanyang mga kasama.
“Do acknowledge that similiar actions of the same grain shall be dealt with similar penalties,” dagdag pa ni Ilagan. “May this incident be an example for players and coaches alike to exhibit tremendous restraint and discipline, not just towards officals but everyone on the court. We’d also like to remind the teams that there are proper avenues to raise these contradictions and complaints to protect the sanctity of the game we all love.”