^

PM Sports

Bolick naasahan ng NortPort

Russell Cadayona - Pang-masa
Bolick naasahan ng NortPort
Robert Bolick

MANILA, Philippines — Sa nakaraang 2019 FIBA World Cup ay ipinakita ni rookie guard Robert Bolick kung ano ang kaya niyang gawin laban sa mga pinakamahuhusay na players sa buong mundo.

Ang nasabing katapangan ni Bolick ang sasandigan ng NorthPort sa kanilang kampanya sa 2019 PBA Governor’s Cup.

“Iyong confidence niya, tataas na talaga. Isipin mo, the best in the world nakalaban niya,” sabi ni Batang Pier coach Pido Jarencio sa dating kamador ng San Beda Red Lions sa NCAA. “Kahit papaano, nagkakumpiyansa nang husto ‘yung bata.”

Isa si Bolick sa mga aasahan ng NorthPort sa pagsagupa sa nagdedepensang Magnolia ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa 99-94 panalo ng NorthPort laban sa Rain or Shine ay nagtala si Bolick ng 20 points, 5 assists at 4 rebounds, habang kumolekta si import Mychal Ammons ng 25 points at 19 boards.

Muli namang sasandalan ng Magnolia sina PBA Best Import Romeo Travis at Gilas Pilipinas members Paul Lee at Mark Barroca.

Bukod sa Batang Pier, hangad din ng NLEX Road Warriors at Meralco Bolts ang masolo ang liderato sa kanilang bakbakan sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon.

Kapwa nagtala ng panalo ang Road Warriors at Bolts sa una nilang laro sa torneo.

Nagmula ang NLEX sa 123-116 paggupo sa Phoenix na tinampukan ng pagbabalik sa aksyon ni guard Kiefer Ravena matapos ang ipinataw na 18-month suspension ng FIBA. Kinuha naman ng Meralco ang 98-92 panalo kontra sa Magnolia.

2019 FIBA WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with