CEU, BRT-St. Clare agawan sa finals

MANILA, Philippines — Magsasabong sa hu-ling pagkakataon ang CEU at BRT Sumisip Basilan-St. Clare ngayon sa do-or-die Game Three ng semifinals para sa hu-ling Finals ticket ng 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang umaatikabong knockout game sa alas-3:30 ng hapon kung saan ang mananalo ay ang maka-duwelo ang nag-aabang na TIP sa best-of-three championship series.

Nakaabante na agad sa Finals ang Skippers noong Lunes matapos ang 2-0 sweep sa TIP sa kanilang sariling Final Four pairing.

Matapos ang masaklap na 70-86 kabiguan sa Game One, umiskor ng 83-68 Game Two win ang CEU upang ipakita ulit ang never-say-die attitude nito na pinamalas nila noong nakaraang conference para umabante sila diretso sa Finals sa kabila ng 8-man line-up, bago kapusin lang bilang runner-up sa kampeong Ateneo.

“After the loss in Game One, I told them I want to see the heart we had last conference and that’s what we showed,” ani head coach Derrick Pumaren. “We just gotta carry it again on Thursday.”

Subalit sa kabila noon, idiniin ni Pumaren na hindi pa rin magiging madali ang misyon nila sa Game Three kahit pa nadaig na rin nila ang St. Clare sa parehong three-game semis series noong nakaraang conference upang makapasok sa Finals.

“We’re happy we were able to survive, but we haven’t won anything yet, we haven’t proven anything yet. It is far from over,” dagdag ni Pumaren na sasandal kina Maodo Malick Diouf kasama sina Rich Guinitaran, Franz Diaz at Dave Bernabe.

Haharang sa kanilang daan sina Mohammed Pare, Joshua Fontanilla, Junjie Hallare at ang mga bagong Saints na sina Hesed Gabo at Alfred Batino na lahat ay tangkang makaganti sa wakas sa tormentor na Scorpions.

Show comments