^

PM Sports

May ginawang tama si Wright

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi ipinasok ni head coach Caloy Garcia si Joel Wright sa kabuuan ng third period dahil sa pagkakahulog sa foul trouble ng balik-import.

Ngunit mahalagang puntos ang isinalpak ni Wright sa huling minuto ng fourth quarter para akayin ang Rain or Shine sa 96-90 panalo kontra sa Columbian sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagposte si Wright ng 30 points, 10 rebounds at 2 assists para ibangon ang Elasto Painters mula sa nauna nilang 94-99 kabiguan sa NorthPort.

Hindi naman naduplika ng Dyip ang kanilang 117-110 tagumpay laban sa Alaska Aces sa pagbubukas ng torneo noong Biyernes.

“I just told the players the only way we can come back is to win this game so that at least hindi kami makalayo sa standing,” wika ni Garcia, nakahugot kay Rey Nambatac ng 17 points kasunod ang tig-10 markers nina Javee Mocon at Ping Exciminiano.

Iniskor ni Wright ang huling pito sa siyam na puntos ng Rain or Shine, ang huli ay isang salaksak sa nalalabing 14.5 segundo ng final canto para sa kanilang 93-89 bentahe.

Ang free throw ni import Khapri Alston ang naglapit sa Columbian sa 90-93 agwat sa nalalabing 11.4 segundo.

Samantala, hindi makakalaro ng dalawang linggo si 6-foot-9 center Poy Erram para sa NLEX matapos magkaroon ng collateral ligament sprain sa kanyang kaliwang braso.

WRIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with