Redmond nakaungos
PHILRACOM-RBHS Class 3
MANILA, Philippines — Nagwagi sa makapi-gil hiningang bakbakan ang liyamadong Redmond sa PHILRACOM-RBHS Class 3 race kahapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Agad na kumuha ng bandera ang Redmond paglabas ng aparato at pumuwesto ito sa tabing balya sa unang kurbada.
Nakalamang ng kalahating kabayo ang Redmond na sinakyan ni Class A jockey CS Pare sa Matriarchal papasok ng far turn habang nasa tersero puwesto ang Beacon Street at nag-aabang sa pang-apat ang Spunk Attack.
Nagtuloy ang mainit na labanan habang papalapit sa home turn, nakakapit pa rin sa unahan ang Redmond at pinapahirapan pa rin ito ng Matriarchal at Spunk Attack.
Hindi naman nataran-ta si Pare sa pagdadala dahil kontrolado pa rin nila ang karera sa rektahan kung saan ay nakaabante sila ng dalawang kabayo na sumesegundong Beacon Street hanggang pagtawid ng meta.
Inirehistro ng Redmond ang impresibong 1:23.8 minuto sa 1,400 meter race, pangalawang dumating ng meta ang Beacon Street habang third at fourth ang Ma-triarchal at Sir Joaquin ayon sa pagkakasunod.
Nakopo ni FR Sevilla, may-ari kay Redmond, ang added prize na P20,000 mula sa Phi-lippine Racing Coimmission.
Sa Race 4, hindi rin binigo ng Alezzandro ang mga liyamadista matapos manalo ng banderang tapos sa isa ring PHILRACOM- RBHS Class 4 race.
Parang sibat na hinawakan ng Alezzandro ang bandera pagbukas ng aparato, nakalamang agad ito ng apat na kabayo sa backstretch.
Nagpumilit kumapit ng Artistic Star kay Alezzandro sa far turn, nakadikit ito ng kalahating kabayo.
Pero dumiskarte si apprentice rider Pabs Cabalejo at naibalik nito sa dalawang kabayo ang lamang sa home stretch.
Nagtala ang Alezzandro ng 1:26.8 minuto sa 1,400 na distansya ng karera, segundo ang Artistic Star habang pangatlo ang Lady Khaleesi.
Samantala, nagkaroon ng carry over sa super six dahil sa pagkakapasok sa pang-apat na puwesto ng dehadong My Priviledge.
May carry over na P11,210.78 sa super six, dumating na pang-lima ang Amiga habang pang-anim ang Firebull.
Tumanggap naman ng P10,000 ang owner ng Alezzandro na si Ed Galang mula sa PHILRACOM.
Nanalong dehado naman ang Atinkupung Sinsing sa Race 2, sinilat nito ang bumanderang Boundary sa event na may distansya ring 1,400.
Dahil sa panalo ng Atinkupung Sinsing, humamig din ng P10,000 ang top horseowner na si Narciso Morales.
- Latest