^

PM Sports

BanKo nakaligtas sa BaliPure

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
BanKo nakaligtas sa BaliPure

MANILA, Philippines — Natakasan ng BanKo ang BaliPure 25-16, 25-12, 16-25, 25-20 para simulan ang kampanya sa second round ng maganda sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference na nagpatuloy kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nasa ikatlong puwesto na ngayon ang Perlas Spikers tangan ang 6-3 na baraha sa ilalim ng Motolite (6-2).

Nanguna para sa BanKo si Nicole Tiamzon na may 22 puntos, mula sa 21 attacks habang nag-ambag naman ng 12 marka si Dzi Gervacio.

Sadsad naman sa ikawalong puwesto ang Water Defenders hawak ang 2-7 na win-loss record.

Sa unang laro naman, tinakasan ng Motolite ang naghihingalong Choco Mucho, 25-27, 15-25, 25-18, 25-17, 18-16, para itarak ang back-to-back nitong panalo sa torneo.

Nanakaw na ng Motolite ang solo second spot sa standings tangan ang 6-2 na baraha sa ilalim ng wala pang talo na Creamline sa 9-0.

Nanguna para sa tropa ang dating University of the Philippines Lady Maroons standout na sina Tots Carlos at Isa Molde na tumapos ng tig-23 puntos.

Patuloy naman ang pagsadsad ng Flying Titans nang malasap nito ang ikalimang sunod na kamalasan sa torneo.

Sa Collegiate Conference naman, winalis ng Ateneo Lady Eagles ang Perpetual Help Lady Altas, 25-18, 25-9, 25-17 para lumusot sa semifinals ng torneo habang pinadapa ng FEU Lady Tamaraws ang LPU Lady Pirates, 21-25, 25-14, 25-16, 25-19.

Pasok na rin sa semifinal round ng liga ang CSB Lady Blazers matapos nitong dominahin ang TIP Lady Engineers 25-13, 25-16, 25-9.

BALIPURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with