Aaron Black handa na

MANILA, Philippines — Matapos ang makasaysayang kampanya sa 2019 PBA D-League para sa AMA Online Education, kumpiyansa si Aaron Black na tumaas ang kanyang value para sa 2019 PBA Rookie Draft sa Disyembre.

Bagama’t nalaglag na sa quarterfinals ang Titans matapos ang 78-100 kabiguan kontra sa Marinerong Pilipino, hindi puwedeng balewalain ang galing ng versatile guard bunsod ng pambihirang 22-puntos, 14-rebounds at five-assist performance nito.

Dahil dito ay nakakumpleto si Black ng triple double average sa pitong laro para sa Titans-- 25.2 points, 12.3 rebounds at 10.3 assists – na lalong nagpataas sa kanya bilang susunod na prospect ng PBA.

Nagtala rin si Black ng tatlong triple doubles ngayong conference na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng D-League katabla si Jeron Teng para sa Flying V noong 2017.

“I think I was able to showcase myself pretty well, pretty good this conference for the D-League so I think as long as I continue to play like that, to continue to improve, I think I’ll be able to be at least up there with the top guys,” ani Black, ama ang PBA legendary import at ngayon ay Meralco coach na si Norman.

Subalit ayon kay Black, hindi niya ito magagawa kung wala ang tiwala at suporta ni AMA coach Mark Herrera gayunin ng D-League sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon upang maipakita ang tunay na galing.

“Well, of course my number one priority was to win. The triple-doubles came with the wins so I’m thankful for that. I’m thankful to coach Mark for giving me the opportunity. That was the big thing for me. I’m very thankful for this league for helping me showcase what I can do,” anang dating Ateneo stalwart na si Black.

Sa ngayon ay magbabalik muna si Black sa MPBL mother team na QC Capitals upang lalong makapagpasiklab sa ha-ngarin niyang maging isa sa top prospects sa 2019 PBA Rookie Draft.

 

Show comments