Quizon, Elorta magsusulong ng ginto sa SEAG
MANILA, Philippines — Huling nagsulong ng gold medal ang Pilipinas sa Southeast Asian Games noong 2001.
Ito ang magiging misyon nina chessers Daniel Quizon at David Elorta sa 30th SEA Games.
Ang 14-anyos na si Quizon at ang beteranong si Elorte ang hinirang na blitz kings ng bansa dahil sa kanilang pagdomina sa nasabing event.
Si Wesley So, isa nang miyembro ng US national team, ang kumuha ng gold medal sa SEA Games walong taon na ang nakakalipas sa Palembang, Indonesia.
Sina Quizon at Elorta ay bahagi ng 10-player team ng National Chess Federation of the Philippines para sa 2019 SEA Games at sasabak sa men’s blitz event laban sa mga pinakamahuhusay sa rehiyon kasama si dating world blitz champion Le Quang Liem ng Vietnam.
Nakapasa si Quizon sa SEA Games qualifying tournament noong nakaraang buwan sa nilahukang Asian Juniors Rapid tournament kung saan niya tinalo sina Grand Masters Eugene Torre at Joey Antonio.
Ito naman ang unang pagkakataon na isusuot ni Elorta ang uniporme ng national team.
Makakatuwang nina Quizon at Elorta sa 2019 SEA Games sina Jan Emmanuel Garcia at Paulo Bersamina, lalahok sa men’s rapid, at sina Antonio at GM Darwin Laylo, sasabak sa ASEAN chess na gagamit ng parehong chess pieces ngunit may ibang patakaran.
Ang women’s team ay babanderahan naman nina Woman GM Janelle Mae Frayna at Cherry Ann Mejia sa blitz at nina WIM Catherine Secopito at WFM Shania Mae Mendoza sa rapid.
Limang gintong medalya ang nakataya sa chess event ng SEAG.
- Latest