^

PM Sports

Focus sa Asian Games

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mas lalong idiniin ng Australia ang kanilang estado bilang heavyweight sa mundo ng basketball nang kanilang talunin ang Czech Republic upang ikasa ang semifinal match kontra sa Spain sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Samantala, lahat ng Asian teams, kasama ang host China ay lagapak sa first round pa lamang ng China joust.

At gaya ng pagdomina ng Australia sa 2017 FIBA Asia Championship at sa World Cup regional qualifier, mukhang mananatiling ganito ang labanan sa Asia-Oceania region sa matagal na panahon.

Ibig sabihin, second place na lang ang malamang na laging paglabanan ng China, Iran, Korea, Japan, Philippines at ng iba pang Asian teams. At nariyan pa nga ang New Zealand na kailangan ding pabagsakin upang panalunan ang FIBA Asia crown.

Dahil sa ganitong sitwasyon, gusto kong balikan ang naisin noon ni PBA commissioner Rudy Salud na pagtuunan ng pansin ang Asian Games.

Tingin ko ay mas napapanahon ngayon na bigyan ng mas malalim na focus ang Asiad.

Siguro hindi debatable na sa Asian Games ay mas lehitimo ang tsansa natin na manalo ng Asian crown.

No. 1 ay hindi kasi kasali ang Australia at New Zealand dito. No. 2, allowed maglaro ang mga Fil-Ams dito kasama na si NBA player Jordan Clarkson. No. 3, mas madali sa PBA na magpahiram ng players dito dahil once every four years lamang inilalaro ang Asian Games.

Kasabay sa pagpre-prepara sa 2023 World Cup ay dapat pagtuunan ng pansin ang 2022 Asian Games sa Hangzhou, China. Magandang test competition ito sa koponan na maaaring kinapapalooban nina Kai Sotto, AJ Edu kasama sina Robert Bolick at CJ Perez.

At dahil puwede nga ang Fil-Ams ay naririyan sina Stanley Pringle, Christian Standhardinger at Clarkson – bagay na na-enjoy ng Gilas sa kanilang fifth-place finish sa 2018 Jakarta Asiad.

2019 FIBA WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with