Douthit kakampanya para sa Narvacan City sa FIBA 3x3

MANILA, Philippines — Balik sa hardcourt ang dating naturalized player ng Gilas Pilipinas na si Marcus Dout­hit upang ibandera ulit ang bandila sa 2019 Chooks-to-Go Manilla Challenger ngayon sa SM Fairview.

Mag­lalaro si Douthit para sa Narvacan City ka­sama sina Gian Abrigo, Jojo Cunanan at Dan Reducto.

Isa lamang ang Narvacan sa limang kopo­nan na katatawan sa Pilipinas sa makasaysayang Manila Challenger kung saan ang maghahari at papangalawa ay aabante sa prestihiyosong 2019 FIBA 3x3 World Tour Jeddah Masters.

Idaraos ang 3x3 World Tour sa Jeddah, Saudi Arabia sa Oktubre 18 at 19.

Ito ang pagbabalik aksyon ng 39-anyos na si Douthit, isang natura­lized Filipino simula pa noong 2011, sa Philippine basketball action si­mula nang huling magsilbi bilang Blackwater import noong 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Naglaro din siya bilang reinforcement ng Mighty Sports noong 2016 Merlion Cup sa Singapore at Hanoi Buffaloes bilang import sa Vietnamese Basketball Association (VBA).

Bukod sa Narvacan, babandera rin para sa ban­sa ang mga ko­­po­nang Balanga Chooks at Pasig Chooks ka­­sama ang Isabela City Chooks at Zamboanga.

Samantala, sa panig naman ng mga in­ter­national teams ay bibida ang mga world-class 3x3 teams na Riga Ghetto ng Latvia, Ams­ter­dam, Ulaanbaatar MMC Energy ng Mongo­lia, Ga­garin ng Russia, Belgrade NetTV ng Serbia, Humpolec Bernard ng Czech Republic, Melbourne Athletic ng Australia at Jakarta South ng Indonesia.

Lalarga hanggang Setyembre 8 ang Manila Challenger.

Inaasahan na bukod sa tsansa sa 3x3 World Tour ay makakadagdag ang Manila Challenger sa FIBA 3x3 World Rankings ng Gilas para sa misyong makasikwat ng upuan sa 2020 Tok­yo Olympics kung saan ipapakilala bilang medal sport sa unang pagkaka­taon ang 3x3 basketball.

 

Show comments