^

PM Sports

Pagdaraos ng 2019 SEAG wala nang balakid -- Ramirez

Pang-masa
Pagdaraos ng 2019 SEAG wala nang balakid -- Ramirez

MANILA, Philippines — Sa pagkakaresolba sa isyu sa Philippine Olympic Commitete, maaari na ngayong kumilos ang Philippine Sports Commission katuwang ang Phi­lip­pine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) para sa pamamahala sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Ito ang inihayag ni PSC chairman at Chef De Mis­sion William ‘Butch’ Ramirez.

“Now we can move on,” wika ni Ramirez.

Nagdaos ng eleksyon ang POC matapos magbi­tiw ang pangulong si Ricky Vargas ng boxing.

Hinirang si Abraham ‘Bambol” Tolentino ng cycling bilang bagong presidente ng POC.

“Now that the internal issues of the POC have been settled and will all of its officials now mo­ving in the same page, government-- through the PSC, and all the other agencies with stakes in the Games, can now also move forward with the pre­parations,” ani Ramirez.

Inaasahan ni Ramirez na ipapaalam ni Tolentino, ang Cavite 7th District Representative sa Kongreso, sa mga National Sports Associations (NSA) ang kanilang mga papel para sa hosting ng 2019 SEA Games sa Nobyembre.

“The success of the SEA Games will rest on the now very pronounced cooperation among our sports leaders. Rep. Tolentino is able to galvanize the once contenting sports leaders into a cohesive group that yes, we can now say the SEA Games is de­finitely a go,” wika ni Ramirez.

Susuporta naman ang PSC sa mga teknikal na pangangailangan ng mga NSAs pati na ang pagsasanay at paghahanda ng kanilang mga atleta.

“Time, however, is of the essence,” wika ng PSC chief. “We’re no longer counting the days towards the SEA Games but the hours and minutes lea­ding to them.”

Nakatakda ang 2019 SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t ibang ve­nues sa Luzon, habang ang mga main venues ay itinatayo sa Clark at Subic.

RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with