Saso mamumuno sa Siklab Youth Awards

MANILA, Philippines — Babanderahan ni reigning girls professional golf champion Yuka Saso ang listahan ng mga awar­dees sa Siklab Sports Youth Awards 2019 na na­katakda sa Lunes sa Market! Market! Activity Area sa BGC, Taguig City.

Makakasosyo ng 18-anyos na Asian Games gold medalist sa entablado sina triathlete Andrew Kim Remolino, cager Dave Ildefonso at 18 pang atleta mula sa iba’t ibang sports bilang Siklab Young Heroes kasama si fencer Maxine Esteban at junior cycling champ Marc Ryan Lago.

Pararangalan din sina paddlers Christine Mae Talledo at Lealyn Baligasa, miyembro ng Philippine dragonboat team na sumagwan ng limang gold medals sa ICF World Dragonboat Championships, sa event na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Makakasama nila para sa paggawad ng kara­ngalan sa mga ‘most promising athletes’ na may edad 18-anyos pababa sina International Masters Kylen Mordido at Marvin Miciano, speed skater Ju­lian Kyle Silverio, pole vaulter Hokett Delos San­tos at wrestler Cadel Evance Hualda.

Inorganisa ng PSC-POC Media Group katuwang ang Market!Market! at Ayala Malls bilang ve­nue partners, ang second edition ng Siklab Sports Youth Awards ay magbibigay din ng pagki­la­la sa mga Super Kids awardees sa pangunguna ni­­na gymnast Karl Eldrew Yulo at IM Daniel Qui­zon.

Bibigyan din ng parangal sina bowlers Norel Nuevo at Grace Gella, nagbulsa ng bronze medals sa junior world championships, kagaya nina skateboarder David Sebastian Chanco at taekwondo jin Ian Matthew Corton.

Ang Sports Idols accolade sa event na tinataguyod ng PAGCOR ay ibibigay kina track and field icon Elma Muros-Posadas at jujitsu world champion Meggie Ochoa.

Show comments