Petron sa bronze

MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang taon pag-okopa sa korona ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference, nagkasya na lamang ngayon ang Petron Blaze Spikers ang Bronze medal.

Dinagit ng Blaze Spikers ang third place ng liga nang padapain nila ang Foton Tornadoes sa loob ng limang sets, 28-26, 25-27, 25-21, 15-12 sa Battle for Bronze kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi man naging ito ang inaasahan nilang pagtatapos ay masaya pa rin sila dahil nagawa nilang tapusin ang kampanya nila sa liga na nakatuntong sa podium.

“Siyempre sobrang happy and thankful kay Lord kasi syempre may medal pa rin kami and sabi ko nga sa kanila kahapon ‘gold ‘yun eh, medyo matagal na lang, naluma kaya naging bronze’. Happy kami, sobrang thankful,” ani coach Shaq delos Santos.

Nanguna para sa Petron si Sisi Rondina na may 33 puntos, mula sa 30 attacks at dalawang blocks habang sumahog naman sina Ces Molina at Rem Palma ng 15 at 11 marka, ayon sa pagkakasunod.

Hindi nagpatalo ang dalawang tropa para madagit ang bronze medal ng torneo at kapwa nagpapaulan ito ng malulupit na palo at depensa sa net na kapwa nagpahirap sa kanila na pumatay ng bola lalo na sa fifth set kung saan umariba si Sisi Rondina para nakawin ang panalo.

Nagtapos naman ang kampanya ng Foton Tornadoes sa conference na ito sa pagkuha ng fourth place nga-yong taon.

Samantala, naglalaban naman para sa championship crown ang F2 Logistics Cargo Movers at Cignal HD Spikers as of press time.

Ito ang unang beses na sasalang sa Finals ng All-Filipino Conference ang HD Spikers habang ito na ang ikaapat na sunod ng Finals appearance ng Cargo Movers, na dalawang taon ng uhaw sa All-Filipino crown.                

Show comments