San Juan giniba ng General Santos
MANILA, Philippines — Giniba ng General Santos City ang mata-yog na pader ng San Juan Knights na kanilang pinatikman ng kabiguan, 97-91 sa MPBL Lakan Season na nagpatuloy sa Muntinlupa Sports Complex.
Pumukol si PBA journeyman Rob Celiz ng career-high 27 points habang nagtala naman si Rob Williams ng 23 bukod pa sa ambag na crucial baskets nina Pamboy Raymundo at John Orbeta para sa panalo ng GenSan upang sumulong sa 9-2 record na nagpakapit sa kanila sa ikalawang puwesto sa southern division.
Sa likod ng paglasap ng unang kabiguan sa tournament, ang Go For Gold-backed Knights ay solo leader pa rin sa 10-1 win-loss record.
Humugot naman ang Bicol ng 90-87 panalo sa Muntinlupa.
Naghabol ang expansion team na Volcanoes mula sa 19 points deficit laban sa host team Cagers para diskarilin ang bagong playing coach nilang si Dave Moralde.
Naungusan naman ng Mindoro ang SOCCSKSARGEN, 91-87 sa pangunguna ni Francis Camacho na nagtala ng career-high 32 points.
- Latest