^

PM Sports

SMB puntirya ang Grand Slam

Russell Cadayona - Pang-masa
SMB puntirya ang Grand Slam

Matapos maghari sa Phl at Commissioner’s Cup

MANILA, Philippines — Sa pag-angkin ng mga Beermen sa kanilang ikalawang sunod na kampeo nato ay inaasahan nang pu­puntiryahin nila ang pam­bihirang PBA Grand Slam.

“It would really be an honor kung makukuha na­min ito because they are really longing for this Grand Slam,” sabi ni San Miguel head coach Leo Austria.

Una at huling nakopo ng Beermen ang PBA Grand Slam noong 1989 sa paggiya ni dating mentor Norman Black.

Makaraang pamaha­laan ang 2019 PBA Phi­lippine Cup sa pang-li­mang sunod na taon ay si­nikwat naman ng San Miguel ang titulo ng PBA Commissioner’s Cup.

Winakasan ng Beermen ang kanilang best-of-seven championship series ng TNT Katropang Texters sa 4-2 tampok ang 102-90 panalo sa Game Six noong Biyer­nes.

Nakamit ng SMC fran­chise ang kanilang ika-27 PBA title.

Ngunit hindi ito na­ging madali para sa San Miguel na naglista ng 2-5 record sa likod ni one-time PBA Best Import Charles Rhodes ba­go ipinalit si Chris McCullough.

“We just worked hard in the gym, we worked hard at the practice. We were well focused,” sabi ng 24-anyos na si Mc­Cul­lough.

Ang ika-walong PBA title naman ni Austria ang nagtabla sa kanya kay Chot Reyes sa No. 5 sa all-time list.

Kinilala si guard Terrence Romeo bilang Finals MVP.

“Hindi mo kailangang laging bida, importante manalo ang team,” sabi ni Ro­meo, nagposte ng mga averages na 14.8 points, 4.3 assists at 2.3 re­bounds sa PBA Finals.

Ang PBA Grand Slam ang susunod na target ng Beermen kung saan nila ipaparada si 6-foot-5 guard Dez Wells sa dara­ting na 2019 PBA Governor’s Cup na didribol sa Setyembre 20.

 

GRAND SLAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with