Inangkin na ni McCullough

Back-to-back games na todong 48 minuto ang inilaro ni Terrence Jones at sa parehong pagkaka-taon ay parang lantang gulay sa endgame ang TNT KaTropa import.

Mahaba rin naman ang minutong inilalaro ni Chris McCullough. Pero dahil mas nakakapag-pa-cing dahil sa tulong nina June Mar Fajardo at Christian Standhardinger sa post chores, mas fresh si McCullough sa crunch time – bagay na malaking factor sa pagsungkit ng San Miguel ng back-to-back wins upang kunin ang pivotal 3-2 lead sa PBA Commissioner’s Cup Finals.

Walang duda na kay TNT active consultant Mark Dickel ang burden of adjustment.

Sa Game Five, tumaya siya ng todo kay Jones hanggang sa maubos na ang kanilang 16-point lead at maungusan ng San Miguel upang nakawin ang 99-94 panalo.

Walang nagbago sa taktika ni Dickel kahit na sunud-sunod nang itinapon ni Jones ang bola.

At dahil doon, ang mga KaTropa na ang naghahabol sa serye. Ang siste ay fresher, hawak ang momentum at balik na ang mataas na kumpiyansa ng mga Beermen.

Kaya siguro ang lakas ng loob ni McCullough na magdeklarang sa kanila na raw ang championship. Pero ang tingin kong sigurado ay ang umaatikabong bakbakan sa Game Six.

***

Speaking of championship, champion ang effort nina Kag. Dennis Alemania, Lyn Molina-Delos Santos, Lyn Santos, Edith dela Cruz-Faderon at Aurora Cristobal-Delos Reyes sa pangunguna sa reunion ng Bagbaguin Elementary School Batch 79 noong Lunes.

Successful ang event dahil din sa contribution at cooperation nina Kag. Dante Garcia, Theresa Mercado, Pascual Mercado, Romeo Beltran, Romeo Francisco, Ricardo Bueza, Ramon Marcelino, Sonny San Diego at Boy de Jesus. Special guest si Mrs. Nenita Reyes, ang aming Grade 4 teacher.

Show comments