Iwalk wagi sa Hazchem

Ang two-handed dunk ni Nailtalk-Savio import Rudolf Mienlam.
PBA Images

Asia’s Lashes giniba ang Nailtalk-Savio

MANILA, Philippines — Nakuha ni ex-pro Jo­nas Villanueva ang kan­yang unang pana­lo bilang head coach ma­tapos ang 90-76 tagum­pay ng iWalk kontra sa Hazchem kahapon sa 2019 PBA Developmental League Foundation Cup sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Naiwan sa maagang 12-point deficit ang Char­gers at naghaha­bol pa sa 58-62 sa ka­­lagitna­an ng fourth period, nagpakawala si­­la ng 20-2 ratsada para ma­kapagtayo ng 78-64 abante na hindi na nila pi­nabayaan patungo sa unang tagumpay.

Kumana ng 22 points at 6 rebounds si Wo­wie Escosio at may 12 mar­kers si Jasper Parker ka­sunod ang tig-10 nina John Michael Cruz at Ber­­nie Bregondo para sa balanseng atake ng iWalk na umangat sa 1-1 marka sa Group A.

“Malaking bagay itong first win. Para akong nabunutan ng tinik,” wika ni Villanueva na dating naglaro para sa San Miguel at naging Finals MVP noong 2009 Fiesta Conference.

Sa kabilang banda, hindi naman sumapat ang ginawang 15 mar­kers at 8 boards ni team captain Ray­mark Matias para sa Green Warriors.

Sa isa pang laro, su­mandal ang Asia’s La­shes sa mainit na third quarter upang ipagpag ang makulit na Nailtalk-Savio, 77-62.

Bumida si Jhygruz Laude na may 16 points, 6 rebounds, 5 assists at 3 steals.

Show comments