Gopico balik-eksena matapos ang injury

MANILA, Philippines — Isang taon matapos ma­wala at magpahinga dahil sa kanyang injury, unti-unti nang bumabalik si BanKo Perlas Spi­kers middle blocker Ana Gopico.

Balik sa Premier Volleyball League (PVL) Sea­son 3 Open Confe­rence si Gopico matapos mawala sa eksena dahil ikatlong anterior cruciate ligament (ACL) injury sa kaliwang tuhod.

Matatandaang nagpahinga ang dating Ateneo La­dy Eagle dahil sa nasabing injury na kanyang natamo noong UAAP Sea­son 80 beach volley­ball kasabay ng hamstring injury.

Sa pagsalang niya sa second set ng laro ng BanKo laban sa Pet­roGazz Angels noong Linggo ay inamin niya na kinabahan siya dahil ma­tagal din siyang hindi nakatapak sa Arena.

“Well, ipinasok ako no­ong second set, sob­rang ka­­­­bado pa ako kasi si­yempre, one year din akong hin­­di nakatapak ng Arena,” wika ni Gopico.

Hindi man naging ma­laki ang kontribusyon niya sa open­sa sa pagpasok sa kanya, gusto pa rin niyang ma­katulong sa tropa sa pagchi-cheer at pagpapalakas ng ka­nilang loob.

“Kahit hindi ako na­ka-score as much as possible, I like to uplift my teammates,” ani Gopico.

Show comments