Gopico balik-eksena matapos ang injury
MANILA, Philippines — Isang taon matapos mawala at magpahinga dahil sa kanyang injury, unti-unti nang bumabalik si BanKo Perlas Spikers middle blocker Ana Gopico.
Balik sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference si Gopico matapos mawala sa eksena dahil ikatlong anterior cruciate ligament (ACL) injury sa kaliwang tuhod.
Matatandaang nagpahinga ang dating Ateneo Lady Eagle dahil sa nasabing injury na kanyang natamo noong UAAP Season 80 beach volleyball kasabay ng hamstring injury.
Sa pagsalang niya sa second set ng laro ng BanKo laban sa PetroGazz Angels noong Linggo ay inamin niya na kinabahan siya dahil matagal din siyang hindi nakatapak sa Arena.
“Well, ipinasok ako noong second set, sobrang kabado pa ako kasi siyempre, one year din akong hindi nakatapak ng Arena,” wika ni Gopico.
Hindi man naging malaki ang kontribusyon niya sa opensa sa pagpasok sa kanya, gusto pa rin niyang makatulong sa tropa sa pagchi-cheer at pagpapalakas ng kanilang loob.
“Kahit hindi ako naka-score as much as possible, I like to uplift my teammates,” ani Gopico.
- Latest