MANILA, Philippines — Para maibsan ang pagkauhaw ng Tropang Texters sa korona ay kailangan nilang manalo ng dalawa laban sa karibal na Beermen.
Ngunit mas madali itong sabihin kesa gawin.
“We just have to stay focus, be patient, don’t lose our head,” sabi ni TNT Katropa head coach Bong Ravena sa kanilang pagsagupa sa San Miguel ngayong alas-6:35 ng gabi sa Game Four ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Kinuha ng Tropang Texters ang 2-1 abante sa kanilang best-of-seven championship series ng Beermen matapos agawin ang 115-105 panalo sa Game Three noong Biyernes.
Sa nasabing laro ay humakot si import Terrence Jones ng 37 points, 18 rebounds, 9 assists at 5 blocks para pamunuan ang Tropang Texters sa pagresbak sa 125-127 double overtime loss sa Beermen sa Game Three noong Biyernes.
“We just try to move forward and win Game Four,” sabi ng 6-foot-8 na si Jones, pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office ng P20,000 dahil sa ginawang pag-headbutt kay Chris Ross sa first period.
Hindi naman nagustuhan ni Ross ang pahayag ng TNT Katropa ukol sa ginagawa niyang ‘mind games’ sa 27-anyos na si Jones.
“If they’re crying about playing mind games, they need to check themselves. If that’s what they want to cry about the PBA, let them cry about that,” sabi ng 32-anyos na si Ross sa Tropang Texters, asam ang pang-walong korona.