^

PM Sports

Texters lalapit sa inaasam na korona

Russell Cadayona - Pang-masa
Texters lalapit sa inaasam na korona
Sinabayan ni TNT Katropa guard RR Pogoy si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel sa Game Three noong Biyernes.
PBA Images

MANILA, Philippines — Para maibsan ang pagkauhaw ng Tropang Texters sa korona ay kailangan nilang manalo ng dalawa laban sa karibal na Beermen.

Ngunit mas madali itong sabihin kesa gawin.

“We just have to stay focus, be patient, don’t lose our head,” sabi ni TNT Katropa head coach Bong Ra­vena sa kanilang pagsagupa sa San Miguel ngayong alas-6:35 ng gabi sa Game Four ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kinuha ng Tropang Texters ang 2-1 abante sa ka­nilang best-of-seven championship series ng Beermen matapos agawin ang 115-105 panalo sa Game Three noong Biyernes.

Sa nasabing laro ay humakot si import Terrence Jones ng 37 points, 18 rebounds, 9 assists at 5 blocks para pamunuan ang Tropang Texters sa pagresbak sa 125-127 double overtime loss sa Beermen sa Game Three noong Biyernes.

“We just try to move forward and win Game Four,” sabi ng 6-foot-8 na si Jones, pinagmulta ng PBA Com­missioner’s Office ng P20,000 dahil sa gi­na­wang pag-head­butt kay Chris Ross sa first period.

Hindi naman nagustuhan ni Ross ang pahayag ng TNT Katropa ukol sa ginagawa niyang ‘mind games’ sa 27-anyos na si Jones.

“If they’re crying about playing mind games, they need to check themselves. If that’s what they want to cry about the PBA, let them cry about that,” sabi ng 32-anyos na si Ross sa Tropang Texters, asam ang pang-walong korona.

TEXTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with