^

PM Sports

Carmelo inisnab ng Team USA

Pang-masa
Carmelo inisnab ng Team USA

LAS VEGAS, Neva­da -- Gusto ni veteran Carmelo An­tho­ny na mag­laro sa Team USA para sa da­ra­­ting na 2019 FIBA World Cup.

Ngunit hindi siya pi­nagbigyan.

Sinabi ni Jerry Co­lan­gelo, ang managing di­rector ng USA Basketball, na ipinaalam nila sa kampo ni Anthony na wala na silang puwesto para sa All-Star forward sa kabila ng bilang ng mga  NBA players na tu­mangging maglaro.

Naglaro ang 35-an­yos na si Anthony sa re­cord na apat na U.S. Olympic teams na ti­nam­pukan ng tatlong gin­tong medalya (2008, 2012 at 2016) at isang tanso (2004).

Siya ang all-time lea­ding scorer sa U.S. men’s Olympic history.

Nakita si Anthony sa 10 laro ng Houston Rockets sa nakaraang season bago bi­nitawan noong Pebrero 1.

“I love Carmelo,” wi­ka ni Colangelo. “He made a great contribu­tion. He was a very good international pla­yer. But for where we are and what we’re doing, that conceivably could have been a distrac­tion. I understand why the request was made. He’s trying to reestablish himself. I think that has to be done in the (NBA).”

Isang 10-time All-Star, si Anthony ay may mga averages na 24.0 points, 6.5 rebounds at 3.0 assists sa 16 seasons.

CARMELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with