Nzeusseu itinakas ang Pirates laban sa Altas

MANILA, Philippines — Umiskor si big man Mike Nzeusseu ng winning bas­ket sa huling pi­tong segundo para itakas ang Lyceum Pirates kontra sa Perpetual Help Altas, 87-85, sa Season 95 NCAA men’s bas­ketball tournament ka­ha­pon sa “Campus On Tour” sa University of Per­petual Help Gym sa Las Piñas City.

Tabla ang laro sa 85-85 nang makuha ng Cameroonian ang bola mu­la kay Jayson David sa ilalim ng goal pa­ra biguin ang Altas sa kanilang homecourt.

Muling umakyat ang Pirates sa ikatlong puwesto para makasama ang Letran Knights sa parehong 5-1 kartada sa likuran ng San Beda Red Lions at St. Benilde Blazers na hawak ang parehong 4-0 marka.

May sapat na oras pa sana para muling angkinin ng Altas ang bentahe ngunit sinupalpal ni Jayvee Marcelino si Edgar Charcos para tuluyan ng ipalasap sa Las Piñas-based squad ang pang-apat na kabigu­an sa anim na laro at malag­lag sa No. 7 spot.

Tumapos si Nzeusseu na may career-high 18 points at 10 rebounds at si Reymar Caduyac ay nagdagdag ng 14 markers, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa tropa ni coach Topex Robinson.

Naiwanan ng 13 puntos ang Altas ni coach Frankie Lim pero umarangkada sina Charcos, Ben Adamos at Kim Au­ri ng 24-11 atake pa­ra itabla ang laban sa 85-85 sa 2:05 minuto sa fourth quarter.

Sa juniors’ division, dinaig ng Lyceum Junior Pirates ang Perpe­tual Help Junior Altas, 93-81, para umangat sa ika­apat na puwesto sa 4-2 marka.

Tumipa si Mac Gua­­dana ng 33 points ka­sa­ma ang pito sa ka­ni­lang 20-5 ratsada sa hu­­ling yug­to para luma­yo sa 83-63 sa huling li­mang mi­nuto sa laro.

Humakot din si Guadana ng 6 rebounds at 5 assists.

Show comments