^

PM Sports

Nagmadali si Folayang

Pang-masa
Nagmadali si Folayang

MANILA, Philippines — Aminado si ‘The Landslide’ Eduard Folayang na ang kanyang pagmamadali ang naging mitsa ng kanyang pagkabigo sa semifinals ng ONE Championship Lightweight World Grand Prix series nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Unang nakaatake si Folayang at pinaulanan ng suntok si dating UFC champion fighter Eddie Alvarez bago nawala ang angas nito at nabaligtad ang naging sitwasyon ng dalawa.

Sinamantala ni Alvarez ang pagkagapos ni Folayang hanggang sa ma-choke niya ito na nagdala sa kanya ng first round victory sa 2:16 mark via submission na nagpatahimik sa Pinoy crowd.

Sa press conference matapos ang laban, sinabi ni Folayang na masyado siyang at gusto niya kaagad na mapatumba ang kalaban pero iba ang naging istorya na nagresulta sa kabiguan nito.

“I’m so eager the finish and I think that’s the mistake, I’m become a little impatient and I want to finish him as soon sa possible but it didn’t go that way, so that’s what happened,” ani Folayang.

Hindi man naging pabor para sa mga Pilipino MMA fighter ang gabing iyon, malaking aral aniya ang kanilang natutuhan na dadalhin nila sa mga susunod nilang laban.

Nangako si Team Lakay head coach Mark Sangiao na hindi rito natatapos ang kanilang laban at babalik sila ng mas malakas kumpara sa kanilang ipinakita.

“As what I’ve said, this is not the first time we experience cases like this before we experience 0-5  and now we will be back again and I know we will back stronger than that,” wika ni Sangaio. Fergus E. Josue, Jr.

 

FOLAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with