MANILA, Philippines — Hindi na naitanggi ni F2 Logistics Cargo Movers main setter Michelle Cobb na malaking pressure ang nakaatang sa kanyang balikat kasabay ng pagkawala ni Kim Fajardo.
Ang 20-anyos na si Cobb ngayon ang main playmaker ng Cargo Mo-vers matapos pagpahi-ngahin si Fajardo dahil sa kanyang injury sa daliri.
Ayon kay Cobb, isang mabigat na role ang pagi-ging setter dahil siya ang gumagawa ng plays ng kanyang spikers pero ginawa niya itong motibasyon para mas magsumikap.
“Being the setter is a very heavy role. I guess, the pressure is what makes you want to work better, it makes you want to work harder,” sabi ni Cobb.
Bagama’t may ilang buwan na ring hindi nakakapaglaro si Fajardo sa kanyang tropa, malaking tulong pa rin ito sa tropa lalo na kay Cobb dahil sa mga payo nito.
“Important factor din siya kasi I get to rant, I get to vent all my insights and parang questions, ganun. I’m really thankful for ate Kim kasi I feel like I’m not alone,” dagdag nito.
Patuloy pa rin ang pag-ariba ng kanyang tropa sa All-Filipino Conference ng Philippine Superliga (PSL) nang iposte ang ika-11 sunod na panalo.