“I’m just glad we’re not swept by a powerhouse team.”
Ito ang malalim na buntong hininga ni Rain or Shine coach Caloy Garcia matapos silang makalusot noong nakaraang gabi at mapahaba ang kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinal series kontra sa reigning five-time all-Filipino champion San Miguel Beer.
Ang akala ng mas nakararami ay matatapos na ang serye dahil mistulang patungo ang Game Three sa katulad na pangyayari noong Game One at Game Two.
Sa unang dalawang laro, malakas na panimula ang ginawa ng Rain or Shine pero natapos sa kabiguan dahil sa malakas din na fightback na ginawa ng San Miguel Beer.
Sa Game Three, agad rumatsada sa 18-point lead ang Elasto Painters pero nagawang itabla ng mga Beermen sa halftime pa lamang.
Kaya akala ng halos lahat ay mauulit ang GamesOne at Game Two at uusad na ang mga Beermen sa finale.
Pero nagawang talunin ng ROS ang SMB sa endgame, kaya’t nanatili silang buhay at may pag-asang palawigin sa deciding Game Five ang serye.
Kaya nga lamang, nanatiling super favorite ang mga Beermen na sila ang kukuha ng serye.
* * *
Kung pasok si Carl Montgomery sa height cei-ling sa Governors Cup, mas maganda ang hinaharap ng Elasto Painters sa season-ending tourney.
Sa kanyang activity kahit na sa kakulangan ng sukat ay swak siya sa koponang ROS.
Dahil hindi naman matakaw sa bola at handang magparaya na maging primary defender at rebounder, nailalabas niya ang full potential ng mga ROS rookies.
Ikonsidera na lang ang ipinapakita nina Rey Nambatac at Javee Mocon.