Angeli Araneta umaasang ‘di malala ang kanyang injury

Angeli Araneta

MANILA, Philippines — Umaasa si Generika-Ayala Lifesavers team captain Angeli Araneta na hindi gaanong kaseryoso ang natamo niyang injury sa kanyang kaliwang tuhod nitong Sabado.

Sa laro ng kanyang tropa kontra sa F2 Logistics, isang aksidente ang nangyari sa deciding set kung saan nagresulta sa kanyang injury matapos ang masama nitong pagbagsak.

“Pumalo kasi ako diba pero sabay naman kasi ‘yung pag-land [ng mga paa ko] pero pa-side [tapos] may parang kumalas tapos bumalik then sobra ‘yung vibrate, so sobrang sakit talaga,” sabi ni Araneta.

Wala pang aktwal na diagnosis tungkol sa tunay na lagay ni Araneta dahil ngayong araw pa lang siya sasalang sa MRI kaya’t umaasa ito na isang simpleng injury lamang ito.

“Actually wala pang [diagnosis] pero namamaga kasi siya pero very light lang. Sa Monday pa siya matse-check eh pero masakit eh, mga siguro seven over ten ‘yung sakit,” dagdag niya.

Kasabay ng pagkawala ni Araneta sa loob ng court, nawala rin ang momentum sa Lifesavers na naging mitsa ng kanilang five-set defeat 19-25, 27-25, 22-25, 25-18, 13-15.

Nanghihinayang man dahil hindi nila nadungisan ang malinis na kartada ng F2 Logistics, isang magandang senyales pa rin ito sa kanilang tropa na unang nakapuwersa ng five-set sa Cargo Movers sa conference na ito.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Marinerang Pilipina Lady Skippers outside hitter Chiara Permentilla sa lahat ng nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.

Bukod kay Araneta ng Generika-Ayala, nagtamo rin ng injury sa kaliwang tuhod si Permentilla nitong Sabado sa Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference matapos ang masamang pagbagsak niya nang ma-block ni Cignal setter Alohi Hardy-Robins ang kanyang atake.

Matapos nitong luma-gapak, ay hindi na nagawang bumangon ng Adamson Lady Falcon star hanggang sa tuluyan na siyang ilabas sa playing court. Fergus E. Josue, Jr.

 

Show comments