F2 nakalusot sa Generika

MANILA, Philippines — Malinis pa rin ang ba­raha ng F2 Logistics Cargo Mo­vers matapos alpasan ang Generika-Aya­la Lifesavers, 25-19, 27-25, 25-22, 18-25, 15-13, sa 2019 Philippine Su­perliga All-Filipino Con­ference kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Pinahirapan ng Lifesavers ang Cargo Mo­vers lalo na sa fifth set kung saan nauna nitong nakuha ang 11-8 bentahe bago umalagwa at iposte ang 6-0 atake na nagbigay sa kanila sa 12-11.

Tila nawala ang laro ng Generika-Ayala sa de­ciding set nang magkaroon ng left knee injury si Angeli Araneta ma­tapos ang masamang bagsak nito.

Pinilit lumaban ng Lifesavers at nakadikit sa 13-14, pero inangkin ang F2 Logistics ang panalo mula sa huling palo ni Aby Maraño.

“Bi­nig­yan sila ng ma­gandang laban ng Ge­nerika. Dapat hindi u­ma­­bot ng ganito kaha­ba ang game kung tamang desisyon siguro,” sa­bi ni coach Ramil De Jesus.

Humataw si Kalei Mau ng 25 points mula sa 24 attacks at isang ace, ha­bang nag-ambag ng 16, 14 at 10 markers si­na Ara Ga­lang, Majoy Ba­­ron at Des Cheng, ayon sa pakakasunod. Fergus E. Josue, Jr.

 

Show comments